CRISPY CALAMARES


No...hindi ako nagkamali ng post ng picture na nasa itaas. Calamares talaga yan. Akala nyo siguro ay chicken nuggets ano? Hehehehe. Explain ko kung bakit ganyan ang itsura.

Ang madalas siguro na nakikita natin na calamares ay yung squid rings. Yes, nung unang bese na nagluto ako nito ay napalpak. Bukod sa malata ang kinalabasan ay umurong pa ng husto ang pusit. Kaya naman nitong pangalawang beses na nagluto ako ito, tinandaan ko na ang mga pagkakamali ko. Una, dapat hindi masabaw o matubig ang pusit na lulutuin. Maaring dampian ito ng paper towel para maalis ang extrang tubig. Pangalawa, hindi yung squid rings ang ginamit ko dito. Ang ginamit ko ay yung malalaking pusit na nahiwa na nang pa-strip. tong ginamit ko dito ay nabili ko sa SM Supermarket.

Try nyo ito. Nagustuhan talaga ng mga bata. Masarap itong appetizer, pang-ulam o kaya naman ay pulutan.


CRISPY CALAMARES

Mga Sangkap:
1/2 kilo Large Squid/Pusit (cut into strips or rings)
1 egg beaten
1 tsp. Katas ng luya
Juice from 1/2 Lemon
1 cup Flour
2 cups Japanese Bread crumbs
Salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie magic Sarap
Cooking oil for frying (dapat mga 1 inch ang lalim sa kawali)

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang pusit sa katas ng luya at lemon, at timplahan ng asin,paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 5 minuto.
2. Sa isang bowl, pagsamahin ang harina at binateng itlog hanggang sa makagawa ng batter. Timplahan ng kaunting asin at paminta.
3. Sa pamamagitan ng paper towel, tuyuin ang minarinade na pusit.
4. Pakuluin na ang mantika sa kawali.
5. Itubog ang pusit sa batter, i-gulong sa japanese bread crumbs at saka ihulog sa kumukulong mantika.
6. Hayaang maluto hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
7. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain na may kasamang mayonaise na may catsup o kaya naman ay suka na may kauting asin at sili.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Paborito ko yang calamares, kuya. Pero ang tawag ng mga pamangkin ko sa calamares ay "Squidward" dahil sa cartoons na SpongeBob.
Hahahaha....thanks J....Masarap talaga ang calamares...lalo na kung sa suka na may sili mo ito isasawsaw. Dito nga sa 'Pinas uso yung kariton na nagtitinda ng bagong lutong calamares. parang fishball...hehehehe. 3 pesos ang isang ring...hehehe

Dennis
Maricel said…
Try mo to...Binabanlian ko yung squid rings tapos drain agad pagbumilog na. Marinate in patis, pepper and kalamansi juice. Paglulutuin na, add eggwhite and cornstarch - light lang yung coating. Tapos Igulong yung squid rings sa mixture ng flour and rice flour (wag glutinous rice flour, iba yun) and deep fry
tatess said…
salamat sa mga recipe nyo dennis at maricel.noted lahat ito pagbili ko ng pusit
Thanks Maricel...susubukan ko yan next time na magluto ako ng calamares...hhehehe

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE