BACON, MUSHROOM and CHEESE FRITTATA
Paborito sa bahay ang fried bacon lalo na pag-almusal. Yun lang hindi masyadong madalas namin itong kainin dahil may kamahalan nga ang bacon. Imagine, yung 250 grams nasa P100+ na ang halaga. Hindi naman kakasya sa aming lima ang 250 grams lang. Kaya ang ginawa ko sinamahan ko ng pamparami ang bacon na ito at ginawa kong frittata o torta. Ang kinalabasan? Isang masarap na almusal na hindi bitin sa mga kumakain. BACON, MUSHROOM and CHEESE FRITTATA Mga Sangkap: 250 grams Bacon cut into 1/2 inch cube 1 cup Sliced button mushroom 1/2 cup Grated Cheese 1 pc. large White Onion sliced 1 pc. large Tomato sliced 4 cloves Minced Garlic 3 tbsp. Olive oil 4 Eggs beaten salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bacon sa 2 tbsp. ng olive oil hanggang sa pumula lang ng bahagya. 2. Itabi lang sa gilid ng kawali ang bacon at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. halu-haluin 3. Ilagay ang sliced mushroom at timplahan ng asin at paminta. 4. Ihalo ang nilut...