JAMES 10TH BIRTHDAY - 2010

Ang pangalawa kong anak na si James ay nag-celebrate ng kanyang ika-10 karawan last August 19. Kahit papaano ay ipinagdiwang namin ito sa isang simple pero espesyal na hapunan. Wala namang imbitado na bisita, kami-kami din lang.

Basta ang request lang ng may birthday ay ipagluto ko siya ng spaghetti at baby back ribs. At yun nga ang inihanda ko. Dinagdagan ko na lang ng dessert at bumili ng cake naman ang asawa kong si Jolly.

Nag-halfday ako at nag-undertime naman ang aking asawa para sa kaarawan ityo ng aking anak. Nakakatuwa naman at masaya ang may birthday.

Kagaya nang nasabi ko nung birthday ni Anton, pinipilit ko talagang ipagdiwang ang kanilang mga karawan na kahit papaano ay may konting handa. Yun din naman kasi ang ginwa sa amin ng aking mga magulang.

Parang kailan lang nung pinanganak siya. parang napakabilis ng panahon na isa na siya ngayong 10 years old na bata.
Wish ko sa kanya na sana ay lumaki siyang mabait, mapagmahal sa kanyang mga magulang at kapatid, may malusog na pangangatawan at may pagmamahal sa Diyos.

Amen.
Note: Abangan ang recipe nung mga dish na inihanda ko sa birthdya ni Jams na ito.

Comments

J said…
Wee! Ang cute ng baby pic ni James!
Thanks J... I think 8 months old siya d2......hehehehe
Hi. I just started following your blog and it's really refreshing for me to read about a guy preparing meals for his family. Your family's really lucky to have such a great dad. =)My hubby's too lazy to get up from the couch just to make coffee for himself. ;) By the way, happy birthday to your son. Looks like he and your family enjoyed the food you prepared. =)
Thanks blogless Blogger.... :)

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE