PAKIUSAP LANG PO.......

Okay lang po na kopyahin nyo ang mga recipes ko sa food blog kong ito. Pero for personal consumption lang sana. Kung gusto nyong i-post ito sa inyong sariling food blog, sana lang ay humingi muna kayo ng permiso sa akin. At sana din ay i-acknowledge nyo naman ang food blog ko kasama sa recipe na kinopya nyo. Kung maari din ay ilagay nyo naman ang pangalan ko.

Meron kasing nangongopya ng recipes ko at pino-post sa food blog niya nang hindi ko alam. O na-post na bago ko pa nalaman.

Nakakalungkot lang kasi na basta na lang kinopya ang recipes ko kasama pa ang mga pictures. Wala pong nagbabayad sa akin o kinikita sa blog na ito. Yung ma-acknowledge lang ay okay na sa akin.

Salamat sa pang-unawa.


Dennis

Comments

J said…
Ay kuya ni-link ko sa blog ko (lechon bicol express) ang post mo ha. Saka sinabi ko sa yo na kokopyahin ko. Ahehehe.
J said…
P.S. Kafal naman kung pati picture ay kinokopya! Sino ito, kuya?!?!?
FoodTripFriday said…
Mabuti po siguro lagyan nyo ng watermark ang mga pictures nyo, sayang at magaganda pa naman at masasarap, baka ipa imprenta at gawing menu sa restaurant,tapos hindi man lang marunong magbigay ng credit. Nangyari na rin yan sa kaibigan ko.
Kaya mas mabuti kung may watermark ang mga litrato nyo, kahit pangalan mo or pangalan ng blog mo.
@ J....salamat...alam ko namajn na hini ikaw yun..

Thanks for your support....
Thanks FoodtripFriday...baka ganun na nga ang gawin ko sa susunod....

Thanks for your support...
ut-man said…
Nabiktima ka na rin pala, maraming talagang nagnanakaw ng nang pinaghirapan ng iba sa net. Sa OPC kinupya talaga halos lahat ng recipe ko at pati write up at mga photo kinupya rin kahit may mga watermark, tinanggal lang yong part na may watermark. Sana may paraan para mapigilan.
Sinabi mo ut-man....Sabagay naniniwala naman ako sa karma...bahala na ang Diyos sa kanila....Sana maging masaya sila sa ginagawa nila. Atsa mga tagasubaybay naman natin....sana lang wag nyong tangkilikin yung mga blog na ganun.

Salamat kaibigan....
esel said…
yap you deserve your acknowledgment..iam a cook too, but not a professional cook who have undergone training..i am a IT professional too the Department Head too..my passion is cooking after a day hard work, kaya nga lang ala me time mag blog. I love reading your blog and i have tried them all and masarap..keep up
J said…
Paano mo na-trace, kuya?
@ esel...ano email mo? Mukhang magkakasundo tayo...hehehe
@ J.... iniwan niya sa comment ang link ng foodblog niya. At yun n akita ko dun yung mga recipes ko.
esel said…
hi sir..email me at belle_star_arielle@yahoo.com..iwatermark mo ung mga pix mo sir
Hindi lang po pala kayo ang nabiktima ng taong yun, marami syang blog na "ninakawan" ng recipe pati pictures. Grabeh..Nakakahiya, naturingan na Chef pa naman ang tingin nya sa sarili nya.
Sinabi mo Willa...nalulungkot nga ako sa mga nangyayari....kasi para kang inagawan ng isang bagay na pinaghirapan mo.

Thanks for your support

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE