SHRIMP and STRING BEANS in OYSTER SAUCE


Nitong isang araw simpleng pritong isda ang ulam namin for dinner. Normally, kapag ganito ang ulam namin sinasamahan ko pa ito ng gulay o kaya naman ay soup.

Nang i-check ko ang fridge kung ano ang available, nakita ko itong isang taling sitaw at may kaunti pang hipon o swahe n a ginamit ko nung magluto ako ng sinigang na hipon.

Ang nakakatuwa sa halip na isang simpleng side dish ang gagawin ko, isang masarap na ulam na ang kinalabasan. Try nyo ito at masarap talaga.


SHRIMP and STRING BEANS in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
250 grams Shrimp (Swahe or sugpo)
1 tali (abount 15 pcs.) String beans / Sitaw - hiwain ng mga 2 inches ang haba
1/2 cup Oyster Sauce
2 tbsp. Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
5 cloves Minced Garlic
1 medium size Red Onion sliced
1 thumb size Ginger sliced
Salt and pepper to taste

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay ang sitaw at tasang tubig. Timpahan na din ng asin at paminta. Takpan at hayaan maluto ang sitaw.
3. Kung malapit nang maluto ang sitaw, ilagay ang hipon at toyo. Halu-haluin.
4. Kung pumula na ang hipon, ilagay ang oyster sauce at brown sugar.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Hayaan lang hanggang sa maluto ang sitaw at hipon.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

janice said…
Ang sarap! We just had it for dinner. Thank you po :)
Salamat naman janice at nagustuhan nyo. Keep on visiting my blog...marami pa akong gustong i-share sa inyo.

Share this also to your relatives and friends.

Thanks


Dennis
whiteflower said…
First time kong niluto ito tagumpay! Nagustuhan nming lahat salamat po��
Dennis Glorioso said…
Thanks Whiteflower at nagustuhan nyo. Please continue supporting this food blog.

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE