ITALIAN CHICKEN SAUTE


Ang sosyal naman ng dating ng entry natin for today. Italian chicken saute. Pero sa totoo lang Chicken afritada lang ito na nag-level-up. hehehehe.

Nakuha ko lang ang recipe na ito dun sa label ng Del Monte Four Cheese Pasta Sauce na ginamit nitong isang araw. Remember yung Macaroni na niluto ko? Yup, hindi ko nilagay lahay yung sauce. Siguro mga kulang-kulang 2 cups pa yung natira..kaya ito yung recipe na pinag-gamitan ko. Nilagyan ko na lang ng ng kaunting twist para mas sumarap pa ang dish na ito.


ITALIAN CHICKEN SAUTE

Mga Sangkap:
1 whole Chicken cut into serving pieces
100 grams Bacon chopped
2 cups Del Monte Four Cheese Pasta Sauce
2 pcs. Potatoes cut into cubes
1 large Carrot cut into cubes
2 pcs. Red bell pepper
5 cloves Minced Garlic
1 large Red Onion chopped
1 tsp. Dried Thyme
2 tbsp. Olive oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
2. Isunod na ilagay ang bacon. Halu-haluin hanggang sa medyo ma-toast ito.
3. Ilagay na ang Manok. Timplahan ng asin, paminta at dried thyme. Halu-haluin. Takpan at hayaang masangkutsa ang manok.
4. Ilagay ang Four cheese pasta sauce, patatas, carrots at red bell pepper. Takpan at hayaang maluto ang patatas.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Oo nga,napaka sophisticated ng dating nga pangalan.
Happy Thanksgiving po.
J said…
sosyal ka na kuya ha, pa-ita-Italian ka na. Ndi ka na ma-reach! Ahehehe joke!
@ FoodtripFriday....correct ka dyan...pero sa totoo lang ang laki ng pagkakaiba nito sa ordinaryo nating chicken afritada...siguro dahil sa cheese at sa dried herbs na idinagdag dito. Winner ito...
@ J..... O di ba? nakagaa ako ng ganito...hehehehe...Salamat sa Del Monte....hehehe :)

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE