ROASTED BARBEQUE PORK RIBS
Narito ang isa pa sa mga dish na iniluto ko nitong nakaraan naming Noche Buena. Roasted Barbeque Pork Ribs. Ayos na ayos din ito para sa ating Media Noche. Request ito ng anak kong si Jake. Gustong-gusto kasi niya yung lasa ng barbeque sauce na ginamit ko sa dish na ito. Ang inam sa dish na ito, pwede mong palambutin na siya ahead of time bago i-roast sa oven o sa turbo broiler. At ganun nga ang ginawa ko kaya hindi masyadong mahirap ang preparation na ginawa ko. Try nyo ito. Tingnan nyo naman picture pa lang ay yummy na talaga. ROASTED PORK RIBS Mga Sangkap: 1.5 kilos Whole Pork Ribs 1 can Sprite Soda 1/2 cup Barbecue Sauce 1 head Minced Garlic 1/2 cup Brown Sugar 1/2 cup Soy Sauce Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang bowl pagsamahin ang lahat ng ng sangkap para makagawa ng marinade mix. 2. Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang pork ribs at ang ginawang marinade mix. Ilagay sa pinakamalamigna bahagi ng freezer at hayaan ng mga 2 araw. 3. Pakuluan ito...