CHICKEN ADOBO with EGG in RED WINE



Isa na namang simpleng dish ang handog ko sa inyo sa araw na ito. Sabagay, sino namang pinoy ang hindi marunong mag-adobo? Kung baga, kahit naka-pikit ay kayang-kaya nating itong lutuin.

Kagaya ng madalas kong masabi sa iba ko entry na nai-post na, maraming pamamaraan at mga sangkap ang pwede nating gawin sa adobo. Basta hindi nawawala ang basic na sangkap (bawang, suka, toyo at paminta) ay adobo pa rin ito.

Marami na akong adobo recipes na nabasa at nai-try at isa na dito ang entry ko na ito for today. I think 2 o tatlong steps lang ang maisusulat ko para sa recipe na ito kaya ayos na ayos ito sa mga busy na Mom.

Try it at kakaibang adobo ang inyong matitikman.


CHICKEN ADOBO with EGG in RED WINE
Mga Sangkap:

1 kilo Chicken drumstick

1 head Minced Garlic

6 pcs. Hard Boiled Egg (or kung ilan ang gusto ninyo)

1 cup Soy sauce

1 cup Red wine (yung medyo sweet variety)

1/2 cup Vinegar

1 tsp. Ground Black pepper

1 tsp. Cayene powder

2 tbsp. Brown Sugar

1 tsp. Cornstarch


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola o non-stick na kawali, pag-sama-samahin lang ang lahat ng sangkap maliban sa cornstarch at hard boiled eggs.
2. Takpan at pakuluan ito hanggang sa maluto ang manok at kumonte na lang ang sauce. Mga 15 hangang 20 minuto.
3. Ilagay ang tinunaw na cornstarch. Tikman at i-adjust ang lasa. Ilagay na din ang hard boiled eggs.

Ihain kasama ang mainit na kanin.

Enjoy!!!!

Comments

Marana said…
favorite chicken adobo plus with egg, wow, this is great.

Noobfoodie
Chubskulit Rose said…
I put egg on mine but no red wine, matry nga minsan hehehe. Thanks for the idea!


Spice Up Your Life
J said…
Sarap naman ng baon ng nga chikiting mo kuya!
Dennis said…
@ MommyLES....winner to mommy...for a twist try mo yung may red wine.....:)

@ chubskulit....Try mo din ito...kakaiba ang lasa...but ofcourse adobo pa rin ito...level-up nga lang...hehehehe

@ J....ang mga anak ko basta chicken tiyak na walang tira ang baon...hehehehe
Unknown said…
this is nice to try.. mas type ko iluto yung mga simple lang kasi busy mom ako kaya i'm so happy to find your blog.. yung mga iba kasi masayadong complicated ang process parang ang hirap gawin..thanks..
Dennis said…
Hi Claire.....Natutuwa naman ako at nagustuha mo ang food blog kong ito. If you have any question, email mo lang ako sa denniscglorioso@yahoo.com. Sana dirn i-share mo ito sa mga friends mo.

Thanks again


Dennis

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW