BAGONG TAON 2011 - Sa Amin sa Bulacan
Mula nung ako ay mag-asawa laging hati ang lakad namin kapag dumarating ang kapaskuhan at bagong taon. Madalas sa Batangas sa aking mga biyenan kami nagpa-pasko at sa amin naman sa Bulacan nagba-bagong taon.
Katulad nga ng nakaugalian sa amin sa Bocaue, Bulacan kami nag-bagong taon. Syempre kapag ganitong okasyon marami talaga kaming inihahandang pagkain na pagsasaluhan sa Media Noche. Simple lang ang inihanda namin para sa taong ito. Sotanghon Soup, Penne Cheese & pimiento pasta, roasted baby back ribs, chicken ala max, arroz valenciana, ham, hotdogs, ibat-ibang itlog at ibat-ibang klase ng panghimagas.
Syempre mawawala ba sa Bocaue ang mga paputok, dito kaya ang sentro ng pagawaan ng paputok sa buong Pilipinas. Kaya naman bago kami kumain ng aming media nohe ay nanood muna kami ng mga fireworks.
Ofcourse hiundi pwedeng mawala ang picture-picture with the family. Ang aking pamilya, si Jolly na aking asawa (only girl) and from the left my son Jake, James, ang aking Tatang Villamor at syempre ang bunso kong si Anton.
Kasama din syempre (below) ang aking mga kapatid na sina Shirley, Ate Mary Ann at ang kanyang anak na si Cedric.
Naging tradisyon na ng marami ang pagkain ng sama-sama ng pamilya sa unag oras ng Bangong Taon. Kaya naman sinusunod pa rin namin ito. Wala namang mawawala kung susunod ka sa mga pamahiin kaya para sa akin ay okay lamang ito.
Dalangin ko sa Diyos na sana ay maging mabiyaya ang taong 2011 para sa akin, sa aking pamilya at sa lahat ng mahal ko sa buhay. Siya nawa ang gumabay sa amin sa lahat ng oras at sana ay ilayo kami sa mga matitnding pagsubok. Bigyan nawa niya kami ng magandang kalusuganat malakas na pangangatawan.
Amen at amen.....

Comments