@ ENCHANTED KINGDOM

Last January 8, 2011, nagkaroon kami ng pagkakataon ng aking pamilya na maka-pasyal at maka-bisita sa isa sa pinaka-tanyag na pasyalan sa Pilipinas ang Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna.

The last time na napunta ako dito ay siguro mga 16 na taon na ang nakakalipas. Binata pa ako noon at mga kaibigan ko ang aking kasama. Ngayon naman ay ang aking sariling pamilya.


Kakaunti lang ang picture na nakunan ko. Una: Nasira pa ang digicam na dala ko. Pangalawa: Nagkahiwa-hiwalay kami ng mga rides na sasakyan.


Sa sobrang dami ng tao at sa haba at tagal ng pag-pila mo sa bawat rides, isa lang ang nasakyan ko dito. Itong Space Shuttle. Siguro mga 1 oras at kalhati kami pumila dito bago pa kami nakasakay. Kami lang ng asawa kong si Jolly ang sumakay dito.

Nakakatuwa ang pasyalan na ito. Para ka kasing nasa ibang bansa sa mga nakikita mo at sa mga rides diro.

Riogrande Rapids. Sorry, hanggang picture lang kami dito. Hindi kami nakapasok dito dahil sa dami ng tao at wala na talagang oras.


Nagkasya na lang kami sa picture-picture bago kami lumabas ng park.

At kagaya ng nakasulay sa gate papalabas ng EK, "The Magic Stays With You". Totoo naman. kahit na sasandali kami nag-stay sa lugar na ito, kita ko naman na nag-enjoy ang mga bata sa mga nasakyan nila na rides at sa mga nakita nila.

Kasama nga din pala namin sina Joel na pamangkin ng aking asawa, ang kanyang asawang si Joan, ang baby nilang si Andrei, ang kapatid ni Joel na si Anna, ang pinsan nilang si Pepper at si Lita (Laki) na kapatid ng aking asawa.

Bago kami nakalabas ng park, nag-promised ako sa kanila na babalik kami sa EK. May dahilan naman kung bakit kami babalik. Ang dami kaya naming na-missed na mga rides at facilities. Hehehehe. Next time, ordinary day kami pupunta at mas maaga. Nakasarado pa ang EK ay nasa labas na kami para mag-hintay. Bakit ba? ang mahal kaya ng bayad dito. Dapat masulit. Hehehehe.

Till next!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)