FRUITY CHICKEN MACARONI SALAD

Ito ang isa pa sa mga inihanda namin nitong nakaraang Noche Buena namin sa Batangas. Actually, handa ni Lita ito na kapatid ng asawa kong si Jolly sa kanyang house blessing. Kumuha na lang kami para pandagdag namin sa aming mesa. Hehehehe.

Pangkaraniwan na gawa ng macaroni salad ay yung pineapple tidbits lang ang inilalagay. Pero ito version naming ito ay fruit cocktail ang ginamit.

Nagaya ko ito sa aking kapitbahay na si Ate Joy na isang Ilonga. Kapag gumagawa siya nito, fruitcocktail nga ang inilalagay niya. At masarap ha. Puring-puri nga ng mga bisita ang macaroni salad na ito. Kasi naman, talagang kumpleto ang mga sangkap na inilagay namin dito.

FRUITY CHICKEN MACARONI SALAD

Mga Sangkap:

1 kilo Elbow Macaroni pasta

3 Whole Chicken Breast

1 big can Fruit Cocktail

About 6 cups Lady's Choice mayonaise

2 cups All Purpose Cream

1 cup Raisins

1 cup Sweet pickle relish

1 cup Cashiew nuts

1/2 cup finely chopped Red onion

1 tsp. salt

2 tbsp. Sugar

2 cups Cheese cut into small cubes

1 tsp. Ground Black pepper

Paraan ng pagluluto:

1. Lutuin ang macaroni pasta ayon sa tamang pamamaraan. Huwag i-overcooked.

2. Ilaga ang manok hanggang sa maluto. Palamigin at hiwain ng pa-cubes o himayin.

3. Sa isang malaking bowl, paghaluin ang lahat ng mga sangkap.

4. Tikman at i-adjust ang lasa.

5. Ilagay sa fridge ng mga 1 oras bago ihain para lumamig.

Isalin sa isang lalagyan may fresh na lettuce leaves at saka ihain.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE