ROASTED CHICKEN with GARLIC & LEMON



Napansin nyo ba na medyo may katagalan na nahindi ako nagpo-post ng mga roasted o broiled na ulam? Nasira kasi yung ini-ingat-ingatan kong turbo broiler. Naman, regalo pa yun nung kami ay ikinasal ng aking asawa. Marami-raming dish na din ang niluto nun at marami na rin ang nasarapan. Pero yun nga bigla na lang siyang nasira sa di ko alam na kadahilanan.

Nitong isang linggo lang ay nagulat ako ng ibili ako ng asawa kong si Jolly ng bagong turbo broiler. Gift niya daw sa akin yun. hehehehe. Ang naisip ko agad na lutuin dun ay ang paborito ng mga anak ko na roasted or turboi broiled chicken na nagkaroon pa nga ng pangalan na Anton's Chicken named after sa bunso kong anak na si Anton.

Almost the same ang recipe ng Antons Chicken at ng entry kong ito for today. Yun lang, lemon ang ginamit ko dito at wala akong tanglad na ginamit. Pero ang resulta ay ia pa ring masarap na roasted chicken. Masarap, malinamnam at pasok talaga sa laman ang lasa ng lemon at garlic.

Sayang na-late ito for the noche buena at media noche. Pero okay din naman itong ihanda sa mga espesyal na okasyon. Try nyo din.


ROASTED CHICKEN with GARLIC & LEMON

Mga Sangkap:

1.5 kilo Whole Chicken

1 pc. large Lemon

1 head Minced Garlic

1 tsp. Ground Black Pepper

2 tbsp. Rock Salt

1/2 cup Soy Sauce

1 tsp. Maggie magic Sarap o 1 tbsp. Liquid Seasoning

2 tbsp. Salted Butter


Paraan ng Pagluluto:

1. Paghaluin ang asin at paminta at saka ikiskis sa katawan ng buong manok.

2. Sa isang malaking bowl, paghaluin ang katas ng lemon, bawang, maggie magic sarap o liquid seasoning, toyo at salted butter. Haluin mabuti.

3. Ilibog sa marinade mix ang manok at medyo imasahe sa katawan nito ang marinade mix. Lagyan din ng marinade mix ang loob na parte ng manok.

4. Isalin ang manok at marinade mix sa isang plastic bag at ikot-ikotin. Hayaan ng mga 1 oras bago i-roast. Overnight mas mainam.

5. Lutuin ito sa oven o turbo broiler na may init na 200 degrees sa loob ng 45 minuto hanggang 1 oras o hanggang sa maluto ang manok.

6. Pahiran ng marinade mix ang katawan ng manok from time to time.

Ihain habang mainit pa kasama ang paboritong niyong lechon sauce o kaya naman ay gravy.

Enjoy!!!!

Comments

momdance89 said…
sir dennis paano po ba magiging malutong ang balat ng chicken? Last holidays nagluto ako nito maputla at di malutong ang balat kahit nasa 450 degrees na... paborito ito ng aking pamilya masarap at healthy pa... thanks and more power to your blog sir...
Dennis said…
Kapag niro-roast ang chicken hindi mo talaga yun mapapalutong. Kung fried pwede pa....dalwang beses mo lang i-prito.

It's a big No na masyadong mainit ang oven mo o turbo broiler....baka masunog ang balat tapos hilaw ang loob. 200 degrees is okay.

Para mapa-pula mo naman ang balat. I-brush mo lang palagi ng marinade mix o kaya naman ay butter.

Thanks momdance89...share mo din ito sa mga friends mo.

:)
Unknown said…
will try this one.. para maiba naman.. thanks for sharing your recipe with us!.
Dennis said…
Thanks Ms. Jacquiline.....Tried and tested na ag recipe na yan. I hope your family will love it.

Dennis

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW