ANG AKING TATANG VILLAMOR @ 69

Ang aking Tatang Villamor celebrating his 69th Birthday.

Kasama ang kanyang mga kapatid. From left: Tia Ineng,Tia Lagring, Tatang, Tia Gloria, at Tita Virgie

Kasama ang aking pamangkin na si Christian at Salve.

Kasama ang aking bunsong kapatid na si Shirley at pamangkin na si Jill

Ang mga handa: Asadong dila, tilapia, hipon, pancit at iba pa.

With my Ninang Neneng at Cedrick at the back.

Birthday ngayon ng aking amang na si Tatang Villamor. 69 years old na siya. 1942 o panahon ng hapon siya ipinanganak. Nag-iisang lalaki siyang anak ng aking Lolo Simo at Lola Nene. Mukha lang siyang matanda sa picture dahil sa pumuputi na niyang buhok, pero sa personal baget na bagets pa ang Tatang ko. Para nga lang siyang kuya ko kung pagtatabihin mo kami. Hehehehe.

Every year tuwing birthday niya, ipinaghahanda siya kahit papaano ng aking mga kapatid na kasama niya sa bahay sa amin sa Bulacan. Kanina nga ka-text ko ang kapatid kong si Shirley, tinatanong ko kung ano ang handa ng may birthday. May pa-hapunan daw. At ang mga pagkain na handa nila ay: Asadong Dila ng baboy, halabos na hipon, inihaw na tilapia, tinolang manok at iba pa. Isang sinpleng dinner lang para sa may birthday. Mga kapatid niya at mga kapitbahay lang ang bisita. Sayang lang at hindi kami makakauwi para makisaya sa kanila. May sakit kasi ang bunso kong anak na si Anton at isa pa ay may work ako dito sa Manila.

Mahal ko ang Tatang ko. Alam ko kahit hindi niya sabihin mahal na mahal din niya kaming mga anak niya. Nung malaman niya na lalaki ang magiging apo niya sa akin, nun ko lang nakita ang sobrang saya sa kanyang mukha. Sabi nga niya, Glorioso daw ito. hehehehe. Kaya naman mahal na mahal niya ang panganay kong anak na si Jake.

At lalo pa siyang natuwa nang ang maging lalaki din ang pangalawa at pangatlo kong anak. Tubong-tubo daw siya sa akin at maraming magkakalat ng pangalan niyang Glorioso. Nag-iisa lang siyang lalaking anak di ba? At dalawa lang naman kaming lalaki na anak niya.

On his 69th Birthday, dalangin ko sa Diyos na bigyan pa siya ng marami pang kaarawan. Bigyan nawa siya ng lakas pa ng katawan at magandang kalusugan. Ilayo nawa siya sa mga mabibigat na pagsubok at kapahamakan. Makasama pa nawa namin siya ng mahaba pang panahon. Sana ay makita pa niya ang mga magiging apo niya sa kanyang mga apo. Amen

Sa iyo Tatang Villamor, HAPPY HAPPY BIRTHDAY!!! Mula sa akin, sa iyong manugang na si Jolly at sa iyong mga apo na sina Jake, James at Aton.

See you soon.....

Comments

claire said…
wow!!! so nice to read your posts, reminds me of the well loved filipino trait..family loving people...
Thanks Claire....Tama ka dyan. Yun lang hindi kami nakauwi that time. In-email lang sa akin ng sister ko yung mga pict. Sayang, ang sasarap pa naman ng food. hehehe

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE