ME and MY WIFE - TOGETHER for 13 YEARS

Yesterday January 31 my wife and I celebrated our 13th wedding anniversary. Simple lang naman ang ginawa naming celebration. Komo may pasok ang mga bata, kaming dalawa lang ang nag-date at nanood ng The Tourist na movie. After nun uwi na agad kami at nag-prepare naman ako ng isang simpleng dinner para sa aking pamilya.

Pasta, crispy pata, vegetables salad at jelly plan at cake naman para sa dessert. Abangan nyo na lang ang mga recipe sa mga susunod kong post.

Wala akong gift para sa aking asawa. But ofcourse lahat naman ng ginagawa ko ay para sa kanila. Kaya naman kahit itong dinner na inihanda ko ay pinasarap ko talaga ng aking pagmamahal.

Yun palang wine glass na ginamit dito ay ang wine glass na ginamit namin nung kami ay ikinasal. Naka-ukit sa mga kopitang ito ang aming mga pangalan.
Katulad ng mga wine glass na yun, bagamat madaling mabasag, sanay magtagal pa ang aming pagsasama. Maingatan nawa namin ito nang mas mahaba pang panahon o hanggang sa aming kamatayan. Bigyan pa nawa kami ng lakas at magandang kalusugan para maitaguyod namin ang mga anak.
Amen..

Comments

ut-man said…
Congratulations on your 13th Anniversary!
Salamat kaibigan....more power din sa iyo. :)

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE