SINARITONG TULINGAN
Kagaya nitong sinaing na tulinga na niluto nitong isang araw. Although mas masarap ang sinaing na tulingan kung mga ilang araw na pagkaluto, minarapat kong i-prito ito para isang panibagong ulam na ulit.
Yung sinarito pala ay short for sianing at prito. Hehehehe. Imbento ko lang. Ganyan din ang ginagawa ng Inang Lina ko nung araw. Paksiw, tapos ipi-prito, tapos isisigang pa. Hehehehe.
Itong sinarito ko, masarap talaga ang kinalabasan. Para kasi siyang inadobo muna at saka ipinirito. Yummy! tapos may patis at kamatis ka on the side? Daming kanin ang makakain mo. Hehehehe
SINARITONG TULINGAN
Mga Sangkap:
5 pcs. Isdang Tulingan (piratin)
1/2 cup Dried Kamias
1 head MInced Garlic
salt and pepper to taste
1 cup Vinegar
1 tsp. maggie magic sarap
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang palayok o sa isang kaserola, ilagay ang tuyong kamias at bawang.
2. I-hilera ang isda sa kaserola at timplahan ng asin, paminta, maggie magic sarap, suka at 2 tasang tubig.
3. Lutuin ito hanggang sa maluto at mag-patis na ang sabaw. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung luto na, palamigin muna ito bago prituhin.
Ihain kasama ang patis na pinaglutuan at sliced na kamatis.
Enjoy!!!!
Comments