BAKED LUMPIANG TUNA
Yes. Totoo ang nabasa nyo sa title ng entry kong ito. Lumpia nga ito na sa halip na i-prito ay binake ko na lang gamit ang turbo broiler.
Remember yung entry ko yesterday about Canned Tuna spring roll? Yung kalhati na nagawa ko ay ipinirito ko at yung kalhati nga ay ito.
Noon ko pa gustong i-try ang baked lumpia nito after nung mabasa ko ito sa isa pang food blog na palagi kong binibisita. Ito ay ang http://userealbutter.com/ Okay ang food blog na ito bukod pa sa magagandang picture na pino-post na dito. Yung finished product pala niya dito ay medyo maputla ang kulay. Kung baga parang hilaw ang dating. At iyun din ang naging challenge sa akin kung papaano ko papapulahin ang balat.
For the recipe, pwedeng nyong gamitin yung recipe ko ng canned tuna spring roll o kahit na anong recipe ng lumpiang shanghai. Ang gusto ko lang i-share sa inyo sa posting kong ito ay ibang pamamaraan ng pagluluto ng lumpiang shanghai.
Basta ang gagawin nyo lang ay ilagay ito sa oven o sa turbo broiler at lutuin sa init na 250 degrees sa loob ng 25 minuto o hanggang sa pumula ang balat ng lumpia. Ano ang gagawin para pumula ang balat? Pahiran lang ng olive oil ang balat ng lumpia from time to time habang nakasalang sa oven o turbo broiler. Di ba ang galing? Hindi magiging oily ang lumpia mo.
Ang inam sa dish na ito, healthy siya as to the true meaning of healthy food. Imagine, tuna at vegetables ang laman at kung may oil man ay olive oil naman. Yun kasi ang mahirap sa lumpia wrapper kapag ipiniprito. Talagang sumisipsip siya ng mantika. Kaya para ka na ring tumutungga ng mantika kapag kumakain ka nito.
Thats it! I hope nakatulong ako sa munting tip ko na ito. Ayos na ayos pala itong dish na ito lalo na pumapasok na tayo sa mga panahon ng mahal na araw.
Have a good day to all!!!!
Comments