BINAGOONGANG ADOBO ala RANDY ORTIZ


Inquirer.net ang online new na aking binabasa pagdating ko pa lang sa aking opisina. Okay kasi dito libre na at up to date pa ang mga news.

Nitong isang araw may nabasa ako na isang recipe under ng Lifestyle section nila na nakatawag talaga sa aking pansin. Ito ay ang binagoongang adobo ni Randy Ortiz. http://lifestyle.inquirer.net/food/food/view/20110317-325838/For-Randy-Ortiz-its-binagoongan-adobo-on-a-bed-of-grilled-eggplant

Kilala naman siguro natin si Randy Ortiz. Siya ang isa sa mga kilalang fashion designer dito sa Pilipinas.

Sinubukan ko nga itong kanyang recipe at talaga ngang masarap. Yun lang manok lang ang giamit ko sa dish na ito. Kakatapos lang kasi naming kumain ng pork kaya eto chicekn na lang ang aking niluto.

Try nyo ito. Another twist sa classic favorite nating adobo.


BINAGOONGANG ADOBO ala RANDY ORTIZ

Mga Sangkap:
1 kilo or 10 pcs. Chicken drumstick
3 pcs. Dried laurel Leaves
1 cup vinegar
1 cup soy sauce
3 tbsp. Bottled Sweet Bagoong Alamang
1 cup Brown Sugar
1 tsp. Ground Black pepper
5 cloves Minced Garlic
1 large Red Onion sliced
2 tbsp. Achuete seeds soak in water
2 tbsp. Liquid Seasoning (optional)
2 tbsp. Butter

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. Ilagay na din ang bagoong alamang.
2. Ilagay na ang manok, suka, toyo, dried laurel, brown sugar at katas ng achuete. Lagyan din ng 1 tasang tubig.
3. Takpan at hayaang maluto at kumonti na lang ang sabaw.
4. Tikman at i-adjust ang lasa. Ilagayana din ang liquid seasoning.

Mas masarap kainin ito kung kinabukasan na para mas masipsip ng manok ang flavor ng bagoong, suka at toyo.

Kung hindi naman makatiis na, ihain na ito kasama ang inihaw na talong.

Para sa isang magandang presentation ng dish na ito, ilagay ang inihaw na talong sa bottom ng pyrex o isang lalagyan at saka ilagay sa ibabaw ang binagoongang adobo.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy