CHICKEN, MUSHROOM & POTATOES in CREAM

Regular na visitor ako ng www.yummy.ph na site. Ito yung website mg Yummy Food magazine na paborito ko din na food magazine. Marami kasi ako natututunan na bagong recipes dito. Mainam nga at may website...hehehehe..hindi ko na kailangan na bumuli pa ng magazines. hehehehe.

Habang nagba-browse ako sa mga chicken dish na available, nakita ko itong isang recipe na ang tawag ay Lola Virginias Asadong Manok de Carajay. Nang makita ko ang mga sangkap at ang paraan ng pagluluto, naisip ko na madali lang ito at ayos na ayos dahil may mga sangkap ako nito sa bahay.

At ito nga ang luto na ginawa ko sa 1 buong manok na nasa freezer ko ng ilang araw. Yun lang nilagyan ko ng kaunting twist para mas lalo pang sumarap. Pero yung pangunahing sangkap syempre ay nandito at yun ay ang manok, cream at button mushroom.

Yummy talaga ang dish na ito kaya subukan ninyo.


CHICKEN, MUSHROOM & POTATOES in CREAM

Mga Sangkap:

1 whole Chicken cut into serving pieces

1 large potato cut into cubes

1 big can Whole Button Mushroom cut into half

2 cups All Purpose Cream

1/2 cup Butter

2 cups Chicken stock

4 cloves Minced Garlic

1 medium size Onion Sliced

Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan ng mga ilang sandali.

2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang manok sa kaunting butter hanggang sa pumula ng kaunti ang balat. Hanguin sa isang lalagyan.

3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting butter.

4. Ilagay ang piniritong manok, patatas at chicken stock. Takpan at hayaang maluto.

5. Huling ilagay ang cream at hiniwang mushroom. Hayaan ng mga 2 minuto.

6. Timplahan pa ng asin at paminta. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy