FRIED PORKCHOPS with SWEET AND SOUR SAUCE
Kagaya nitong entry natin for today. Tinimplahan ko pa ng lemon ang porkchops para sumarap. Gumawa din ako ng sweet, sour at spicy sauce para sawsawan sa halip na catsup lamang. Dahil sa naghahalong alat, tamis, asim at anghang ng sauce, tiyak kong mas gaganahan ang kakain nito.
Try it!!!
FRIED PORKCHOPS with SWEET, SOUR and SPICY SAUCE
Mga Sangkap:
8 pcs. Porkchops
1 cup Flour
1/2 cup Cornstarch
1/2 Lemon
salt and pepper to taste
Cooking oil for frying
For the Sauce:
2 tbsp. Butter
1/2 cup Sweet Chili Sauce
1/2 cup Tomato Catsup
1 thumb size Ginger (cut into strips)
1/2 Carrot (cut into strips)
3 cloves Minced Garlic
1 medium size Onion sliced
2 tbsp. Sugar
1 tsp. Salt
1/2 tsp. Ground black pepper
1 tsp. Cornstarch
2 pcs. Green chilis sliced
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang porkchops ng asin, paminta at katas ng lemon. Hayaan ng mga 1 oras. Mas matagal mas mainam.
2. Sa isang plastic bag, ilagay ang minarinade na porkchops, harina at cornstarch. Isara ang plastic bag, alu-alugin ito hanggang sa ma-coat ng harina aat cornstarch ang lahat ng porkchops.
3. I-prito ito hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
4. For the sauce, alisin ang mantika sa kawali.
5. Igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter.
6. Sunod na ilagay ang carrots at green chilis. Halu-haluin.
7. Ilagay na ang sweet chili sauce at catsup.
8. Timplahan ng asin, paminta at asukal.
9. Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch. Patuloy na haluin hanggang sa makuha ang tamang lapot ng sauce. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
10. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Lagyan ng sauce ang ibabaw ng piniritong porkchops at saka ihain.
Enjoy!!!!
Comments