HAMBURGER for BREAKFAST


Sa ating mga Pilipino, typical na pagkaing pang-almusal ang kanin o sinangag at may pang-ulam na itlog, tuyo o isda. Hanggang sa lumaon ay nauso na din ang mga silog kagaya ng tapsilog, tocilog at kung ano-ano pang silog.

Ang pagkaing pang-almusal ang medyo may kahirapan na ihanda o pag-isipan. Nakakasawa na din kasi ang mga pangkaraniwan natin kinakain. Kagaya namin, umiikot lang ang pang-ulam namin sa almusal sa: hotdog, itlog, meatloaf, tocino, longanisa, corned beef o tuna, at iba pa.

Minsan ang ginagawa ko pag-Saturday o Sunday, nagluluto ako ng macaroni soup o lugaw. O kaya naman ay pasta o noodle dish.

Nitong nakaraang Lunes, naisipan ko naman na subukan ang hamburger para almusal. At para ikumpleto ang almusal, sinamahan ko na din ng hushbrown potatoes.

Ang resulta? Nagustuhan naman ng aking mga anak ang aking inihanda. Kahit ang pangalawa kong anak na si James na hindi kumakain ng gulay ay kinain niya ang lettuce, tomatoes at cucumber na nakalagay dito. Ubos kung baga. hehehehe



HAMBURGER for BREAKFAST


Mga Sangkap:

500 grams Ground Beef

2 pcs. Medium size Onion finely chopped

5 cloves Minced Garlic

1 tsp. 5 spice powder

2 tbsp. Worcestershire Sauce

1 tbsp. Sweet Pickle Relish

1 Egg beaten

2 tbsp. All Purpose Flour

Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang bowl paghaluin lamang mabuti ang lahat ng sangkap.

2. Gumawa ng mga burger patties at ilagay sandali sa freezer bago lutuin.

3. Lutuin ito sa isang non-stick na kawali sa kaunting mantika.

4. To assemble: Iinit muna ang hamburger bun sa kawali o sa oven toaster, maglagay ng nais na dami ng iceberg lettuce, saka ilagay ang nilutong burger patties.

5. Lagyan din ng sliced tomatoes, cumcumber at keso.

6. Maari ding lagyan ng mustard at mayonaise kung nais.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Vanessa said…
Mukha pong masarap. In fairness, napakain nyo anak nyo ng veggies.
Try nyo rin po tong pancake recipe ni Jamie Oliver, dagdag sa ideas nyo. Better po ang texture at lasa kesa sa instant mix. Madali lang pala gumawa from scratch, basta may whisk. http://www.jamieoliver.com/recipes/other-recipes/pancakes-usa-stylie
Dennis said…
Thanks Vanessa...susubukan ko yan for sure.

Salamat ulit... ;)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy