HOTDOG with SCRAMBLED EGGS and MAYONAISE

May napansin ba kayo sa mga pictures ng mga recipe na pino-post ko nitong mga nakaraan araw? Medyo maganda na ano? Hehehehe. Naka-utang na kasi ako ng bagong digicam. Mura lang ang kuha ko. Latest model daw yun ng Canon. So kung mapapansin nyo malilinaw na nga ang mga pictures. Hehehehe Napanood nyo na ba yung commercial ng isang brand ng mayonaise na inihalo ang mayonaise sa binating itlog? Ito ang ginawa ko dito sa sliced hotdog na inalmusal namin nitong nakaraang araw. Masarap nga siya. Creamy ang texture ng scrambled egg at masarap talaga sa kanin o sa tinapay. Try nyo din. Magugustuhan nyo din ito.

HOTDOG with SCRAMBLED EGGS and MAYONAISE

Mga Sangkap:
10 pcs. Regular Hotdogs sliced (Purefoods ang ginamit ko)
1 cup Lady's Choice Mayonaise
4 pcs. Eggs beaten
3 cloves Minced Garlic
1 medium size Onion sliced
2 tbsp. Canola oil
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, batihin ang itlog at mayonaise hanggang sa mag-mix na mabuti.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang hotdog sa kaunting mantika.
3. Ilagay ang binating itlog at mayonaise. Hayaan muna ng ilang segundo bago haluin ng tuluyan. 4. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Parang masarap nga ito, kuya. Susubukan ko ito!
Dennis said…
One word J....Yummy!!!! Basta ang gamitin mo na mayo ay yung ladys choice...huwag yung masyadong maasim.

Thanks

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy