KALDERETANG DILAW para kay PNOY
Actually, hindi masyadong visible yung pagka-yellow nung sauce sa picture pero sa actual madilaw siya talaga na parang nilagyan ng curry powder.
Hindi naman ako nagkamali. Masarap, medyo spicy ng kaunti pero okay naman. Kahit nga mga anak ko ay nagustuhan ang beef dish na ito.
Dahil sa kulay ng dish na ito, ito ay inihahandog ko sa ating presidente Noynoy Aquino. :)
Dahil sa kulay ng dish na ito, ito ay inihahandog ko sa ating presidente Noynoy Aquino. :)
KALDERETANG DILAW para kay Pnoy
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket or Kalitiran
2 pcs. medium Potatoes cut into cubes
1 large Carrot cut into cubes
1 large Red bell pepper cut also into cubes
3 tbsp. Worcestershire sauce
3 tbsp. Sweet Pickle Relish
1 small can Reno Liver spread
1/2 cup Butter
1 tsp. Turmeric Powder
1 tsp. Chili Powder
5 cloves MInved Garlic
1 large Red Onion sliced
Salt and Pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang karne ng baka sa saserolang may tubig at asin hanggang sa lumambot.
2. Palamigin sandali at hiwain sa nais na laki.
3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
4. Ilagay ang pinalambot at hiniwang baka. Lagyan ng mga 2 tasa ng sabaw na pinaglagaan.
5. Timplahan na din ng worcestershire sauce at sweet pickle relish. Hayaan ng mga 5 minuto.
6. Ilagay ang carrots, patatas at red bell pepper. Takpan at hayaang maluto.
7. Ilagay na ang chili powder at turmeric powder. Ang dami ng chili powder ay depende sa nais na anghang.
8. Kung luto na ang lahat ay saka ilagay ang liper spread. Haluin hanggang sa medyo lumapot ang sauce.
9. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments