MISUA, BOLA-BOLA at PATOLA

Dapat sana yung siomai recipe ang una kong ipo-post, kaso mas nauna ko itong nailuto as our soup and main dish sa aming dinner kahapon. Yung bola-bola na ginamit ko dito ay yung sobra lang ng siomai dahil kinapos ako ng siomai wrapper. Mga 15 pcs. na balls din ang nabuo ko sa natirang giniling kaya naman itong almonsiogas na ito ang naisip ko agad na recipe na lutuin.

Madali lang naman itong lutuin. Basta may masarap ka na sabaw ay tiyak kong masarap ang misua soup na iyong magagawa. Ang sabaw pala na ginamit ko dito ay yung pinaglagaan ko ng pata ng baboy na entry ko nitong nakaraang araw. Ang kinalabasan? Isang masarap na misua soup na may bola-bola at patola.
MISUA, BOLA-BOLA at PATOLA

Mga Sangkap:
Para sa bola-bola:
250 grams Giniling na baboy
250 grams Hipon (alisin ang ulo, buntot at shell at hiwain ng maliliit)
1 pc. small Singkamas (hiwain ng maliliit na cubes)
1 medium size Onion finley chopped
1 Egg beaten
2 tbsp. Cornstarch
2 tbsp. Sesame oil
Salt and pepper to taste
Iba pang mga sangkap:
2 pcs. Patola
2 pcs. Misua noodles
1/2 cup Onion leaves sliced
1 head Minced Garlic
1 pc. Onion Sliced 10 cups Pinaglagaan ng baboy or 2 pcs. Knorr Pork cubes
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Paghaluin ang lahat ng sangkap para sa bola-bola.
2. Gumawa ng bola-bola ayon sa nais na laki. Ilagay muna sa isang lalagyan at ilagay sa freezer. 3. Sa isang kaserola, i-prito ang bawang hanggang sa pumula. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Igisa ang sibuyas at saka ilagay ang sabaw ng pinaglagaan ng baboy. Maaring dagdagan kung kinakailangan.
5. Kung kumukulo na, ilagay na isa-isa ang ginawang bola-bola. Hayaan ng mga 5 minuto.
6. Ilagay na ang misua. Timplahan ng asin at paminta kung kinakailangan.
7. Huling ilagay ang patola. Hayaang maluto bago patayin ang apoy ng kalan.

Hanguin sa isang bowl at lagyan ng hiniwang dahon ng sibuyas at piniritong bawang. Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Unknown said…
mukhang sarap ng bola-bola.. i'll cook that this coming wkend..
Bheng said…
thanks for posting your recipes....I'm just a newly wed trying my hand on home / basic cooking :) madaling sundan ang mga nakapost dito.. ang galing...
Dennis said…
@ Fhedz....panalo ito...try mo din....email mo ako kung ano result. Regards...
Dennis said…
@ Bheng...Kung may mga question ka...email mo lang ako ... denniscglorioso@yahoo.com para masagot ko agad. Regards
lia said…
pwede bang instead na pork bola-bola isdang bola-bola ang gawin?

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy