PATA HUMBA
May entry na ako ng Humba sa archive. This time pata ng baboy naman ang ginamit ko at dinagdagan ko ng konting twist sa recipe.
Ang humba ay halos kapareho lang ng ating classic na adobo. Marahil ang pagkakaiba lang nito ay nilalagyan ito ng brown sugar. Although may mga naglalagay din ng asukal sa kanilang adobo lalo na kung napasobra ang toyo o ang asin.
Sikat na pang-ulam ito sa parteng Visayas. Sabi nga ng ka-officemate ko, basta may espesyal na okasyon kagaya ng kasal, binyag o birthday, hindi nawawala ang humba sa kanilang hapag. Well, masarap naman talaga ang dish na ito lalo na kung kakainin mo ito mga 1 araw o higit pa pagkaluto. Hehehehe. Sa amin hindi ito aabutin ng 1 araw...hehehhe....sigurado ubos agad ito pagkaluto pa lang. Hahahaha.
PATA HUMBA
Mga Sangkap:
1 whole Pata ng Baboy (yung malaman na parte. Pahiwa na butcher)
1 cup Suka
1 cup Toyo
2 pcs. Tuyong Dahon ng Laurel
2 cup Brown na Asukal
1 tsp. Pamintang Durog
2 pcs. Kamote hiwain na pa-kwadrado
5 pcs. Nilagang Itlog
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pagsama-samahin lang ang lahat ng sangkap maliban sa kamote at nilagang itlog.
2. Lutuin ito hanggang sa lumambot ang pata ng baboy.
3. Ilagay ang kamote..takpan at hayaang maluto.
4. Huling ilagay ang binalatang nilagang itlog.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa
Ihain habang mainit pa. Pero sabi ko nga mas masarap itong kainin kung kinabukasan na. :)
Enjoy!!!!
Comments