PENNE PASTA with MINCED PORK and PIMIENTO
Tuwing Sabado at Linggo, pinipilit kong makapag-handa ng almusal at iba kumpara sa almusal namin sa araw-araw. Ang ibig ko lang pong sabihin ay yung pangkaraniwan na kanin at ulam sa umaga.
Nung Sabado, Arroz Caldo ang aking niluto at nito namang Linggo ay itong Penne pasta na may giniling na baboy at pimiento.
Nakita ko kasi sa fridge yung natitira pang giniling na baboy at yung 1 pouch na pimiento na ginamit ko pa nung nagluto ako ng valentine dinner namin. May nakita din akong 1 tetra pack na Hunts Parmesan spaghetti sauce kaya sakto at nabuo ang pasta dish na ito. At huwag ka, naka-tatlong balik ang aking bunso na si Anton s pasta dish na ito. hehehehe. Paborito kasi niya itong pasta.
Mga Sangkap:
500 grams Penne pasta cook according to package direction
300 grams Giniling na Baboy
1 pouch Pimiento in water (cut into small cubes, reserve water)
1 tetra pack Hunts Parmesan Spaghetti Sauce
1 cup Grated Cheese
1 cup Parmesan Cheese
2 tbsp. Olive oil
1 tsp. Ground Black Pepper
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion finely chopped
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang penne pasta according to package direction.
2. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3. Sunod na ilagay ang giniling na baboy.
4. Timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa maluto at mawala ang pagka-pink ng karne.
5. Sunod na ilagay ang at hiniwang pimiento. Ilagay na din ang parmesan spaghetti sauce.
6. Timplahan ng paminta at ilagay na din ang 1 cup grated cheese.
7. Halu-haluin at hayaan ng mga 5 minuto.
8. Ilagay na ang nilutong penne pasta. Haluin na mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
9. Hanguin sa isang lalagyan at budburan ng parmesan cheese sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments