ROAST BEEF in BARBEQUE SAUCE and 5 SPICE POWDER
Mga ilang roast chicken at pork na din ang nai-post ko sa food blog kong ito. But this is the first time na i-try kong mag-roast ng Beef. Yes, Roast Beef ang entry natin for today. Pero ito siguro ang mas economical version ng dish na ito. Sa halip na yung may kamahalan na parte ng karne ng baka, beef brisket lang ang ginamit ko dito.
ROAST BEEF in BARBEQUE SAUCE & 5 SPICE POWDER
Mga Sangkap:
1.5 kilo Beef Brisket (pahiwa nyo na parang log o pahaba)
1 cup Barbeque Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. 5 Spice powder
1 tsp. Ground Black Pepper
1 head Minced Garlic
2 cups Brown Sugar
1 tbs. Worcestershire Sauce
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola ilagay ang lahat ng mga sangkap at pakuluan hanggang sa medyo lumambot na ang karne. Hindi kailangan na malambot na malabot dahil iro-roast pa ito sa turbo broiler o oven.
2. Hayaan muna ng mga ilang oras bago isalang sa turbo broiler. Para masipsip pa ng karne ang sauce na pinagpalambutan.
3. Isalang ang karne sa turbo broiler at lutuin sa init na 300 degrees sa loob ng mga 20 minuto o hanggang sa pumula lang ng husto ang balat.
4. Pahiran ng sauce na pinagpalambutan ang karne from time to time.
5. For the sauce: Lagyan lang ng tinunaw na cornstarch ang pinagpalambutan ng karne at i-adjust ang lasa.
6. I-slice ang nilutong karne at ilagay sa side ang barbeque sauce na ginawa.
Enjoy!!!!
Comments
btw, please vote for Noobfoodie under Blog category and our Mike Mamaril the Site developer/designer of Noobfoodie under Personal category
Cast your vote at PhilWebAwards. thank you
Noobfoodie