SAUCY CHICKEN and CORN


Hindi ko alam kung may ganitong dish talaga. Basta ang ginawa ko lang, pinagsama-sama ko lang ang mga sangkap na available sa aming kusina at eto isang masarap na saucy dish ang kinalabasan.

Nagsimula kasi ito sa 1 lata na whole kernel na mais na nasa fridge namin ng mga ilang araw na din. Kailangan kasi ng bunso kong anak na si Anton ng lata para sa school project at ito nga lata ng mais na ito ang aking ginamit.

Simple lang ang dish na ito. Komo nagmamadali ako sa pagpe-prepare ng baon ng aking mga anak sa school, ito na lang ang dish na niluto ko para madali. Ito na din pala ang dinner namin kinagabihan.


SAUCY CHICKEN and CORN

Mga Sangkap:

1 kilo Chicken Breast Fillet cut into bite size pieces

3 tbsp. Hoisin Sauce

2 tbsp. Worcestershire Sauce

1 big can Whole kernel Corn

1 tsp. ground Black Pepper

2 tbsp. Brown Sugar

1 tbsp. Cornstarch

1 tbsp. Canola oil

3 cloves minced Garlic

1 medium size Onion sliced

Salt to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Timplahan ng asin at paminta ang chicken fillet

2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang chicken fillet sa kaunting mantika hanggang sa mawala ang pagka-pink nito at medyo pumula ng konti.

3. Sunod na igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin.

4. Timplahan o ilagay na ang Worcestershire sauce, hoisin sauce at brown sugar.

5. Sunod na ilagay na din ang whole kernel corn kasama ang sabaw nito.

6. Hayaan ng mga 5 minuto.

7. Tikman at i-adjust ang lasa.

8. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy