SCRAMBLED BACON, SAUSAGE & EGG
Isang simple at masarap na pang-ulam sa almusal o kaya naman ay palaman sa tinapay ang handog ko sa inyo para sa araw na ito. Yun lang medyo may kamahalan ito kumpara sa iba pang pang-almusal na ulam na inihahanda natin sa araw-araw.
Bacon kasi ang pangunahing sangkap nito na lam naman natin na medyo may kamahalan ng konti. Imagine, mga 250 grams lang nito ay mga P120. Kung lima kayo sa bahay na kakain. kukulangin ito sa inyo.
Ang solusyon? Lagyan natin ng iba pang lahok para dumami. At eto, sinamahan ko ng natiranaming almusal na longanisa, kamatis at sibuyas. Marami nga ang kinalabasan. Naiulam na namin 5 at may natira pana naging palaman sa aming afternoon snack.
SCRAMBLES BACON, SAUSAGE & EGG
Mga Sangkap:
300 grams Bacon cut into 1 inch long
4 pcs. Eggs beaten
3 pcs. cooked Longanisa o chinese sausages sliced
2 pcs. large Tomatoes sliced
1 large white Onion sliced
3 cloves Garlic
1/2 cup Parmesan Cheese
salt and pepper to taste
2 tbsp. Butter
Paraan ng pagluluto:
1. I-prito ang bacon sa butter hanggang sa pumula ng kaunti at maglabas pa ito ng mantika.
2. Igilid lang ang bacon at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
3. Isunod na kaagad na ilagay ang longanisa o sausage. Halu-haluin.
4. Itabi muli ito sa gilid at ilagay ang binating itlog. Hayaan muna na mabuo ng kaunti bago haluin.
5. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng parmesan cheese sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
ito entry ko:
http://www.domestic-cherry.com/2011/03/maginhawa-strip-carbo-loading-at-ted-ps/
And while you're there, you might want to join my March Bag Giveaway too...=)
Oh by the way, I have a mini giveaway onging:
WIN TICKETS FOR 6 TO THE BEST FOOD FORWARD FOOD FAIR!