SINAING NA YELLOW PIN TUNA

Kahit papaano ay nangingilin kami sa pagkain ng karne tuwing Biyernes ng mga Mahal na Araw na nag-simula nung nakaraang Ash Wednesday. Ito siguro ang kaunti naming sakripisyo na sa tingin ko naman ay hindi mahirap gawin. Kahit naman nung mga bata pa kami, ginagawa na rin ito ng aking mga magulang pag-araw ng Biyernes. Di ba nga pangkaraniwan na pritong isda at ginisang munggo ang ulam pag Friday? Kaya eto, nitong nakaraang Biyernes ay itong sinaing na yellow pin tuna ang aming iniulam for lunch at dinner. Mula nang madiscover ko ang sarap ng sinaing na isda, ito na ang ginagawa kong luto basta lang available ang tuyong kamias na ginagamit na pang-asim bukod sa suka.


SINAING NA YELLOW PIN TUNA

Mga Sangkap:

1 kilo sliced Yellow Pin Tuna
1 cup Sugar cane vinegar
5 cloves MInced Garlic
Pinatuyong Bunga ng kamias
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserol, pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at lagyan ng 2 tasang tubig.
2. Lutuin ito haggang sa kumonte na lang ang sabaw. Maaring dagdagan ng tubig kung gusto ninyo ng masabaw na sunaing.
3. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaring langyan ng seasoning kung nais.

Ihain habang mainit pa. Pero mas masarap ito kung kinabukasan na kakainin.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy