STIR FRIED CHICKEN WITH CHAR SIU SAUCE


Ang mga stir fried dishes marahil ang mga pagkain na dapat matutunan ng mga mommy o nagluluto na nagmamadali palagi. Syempre, bukod yun sa mga pagkain na instant o yung pinapa-deliver na lang. hehehehe. Walang kapagod-pagod yun. hehehe. Pero sino ba naman ang makakatagal na puro instant food o delivery ang pagkain araw-araw? Bukod sa magastos ito, syempre walang love na kasama. hehehehe.

Noong araw komo ang mga nanay ay sa bahay lamang, they have all the time na ipagluto tayo ng masasarap nating ulam. Kumpara noon at ngayon, masa matagal i-prepare ang pagkain noon kesa ngayon. Example: Kung magsisigang ka ng baboy man o isda, magpapalambot ka pa ng sampalok at magpipiga para magkaroon ka ng pang-asim, hindi tulad ngayon na may mga instant sinigang mix na. Ofcourse iba pa rin syempre yung natural.

Ngayon, marami na tayong mabibili na mga instant mix and sauces na pwede nating gamitin sa ating pagluluto. Sa mga kagaya ko na nagwo-work pa at pagkadating sa bahay ay magluluto, malaking tulong ang mga mix and sauces na ito para mapadali ang pagluluto.

Katulad nitong entry natin for today. Stir Fried Chicken with Char Siu Sauce. Siguro it will take only 15 to 20 minutes para maluto ang dish na ito. Kaya sa mga nagmamadali palagi sa pagluluto, try nyo yung mga stir fried dishes na kagaya nito. And with all these sauces na available sa market, sigurado akong walang sablay ang ating finished product.



STIR FRIED CHICKEN with CHAR SIU SAUCE

Mga Sangkap:

1 kilo Chicken Breast or Thigh Fillet cut into bite size pieces

1/2 cup Char Siu Sauce

2 tbsp. Soy Sauce

100 grams Baguio beans cut into 1 inch long

1 pc. Carrot cut with the same size of the Baguio beans

4 cloves minced Garlic

1 medium size Onion sliced

1 thumb size Ginger Sliced

1/2 Lemon

Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Timplahan ng asin, paminta, toyo at katas ng lemon ang manok. Hayaan ng mga 1 oras o higit pa.

2. Sa isang non-stick na kawali, ilagay ang manok kasama ang pinagbabadan nito at hayaang maluto at ma-prito sa sarili nitong mantika.

3. Itabi ng konti ang manok at igisa ang luya, bawang at sibuyas.

4. Ilagay ang Baguio beans at carrots. Halu-haluin

5. Ilagay na din ang char siu sauce at mga 1/4 cup na tubig. Halu-haluin at hayaan hanggang sa maluto ang gulay.

Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy