STRAWBERRY SMOOTHIES

Papalapit na talaga ang summer. Pag lumabas ka ng bahay, ramdam mo na ang init ng summer sa iyong balat na para bang nagaanyaya na maligo ka sa swimming pool o kaya naman ay sa beach. Hehehehe.

Mararamdaman mo din ang summer kapag nakakita ka na ng mga prutas na tuwing summer talaga saganang-sagana. Katulad ng pakwan, melon, manga at maging strawberries.

Minsang pauwi ako ng bahay galing sa opisina. Sa may pagbaba ko ng MRT sa may Cubao station. Nakita ko itong mama na nagtitinda ng strawberries na naka-pack sa styro. P35 pesos ang isang pack at pumayag naman siya na 3 pack na for P100. Good deal kako. Kasi sa supermarket yung isang pack na ganun ay P75 ang halaga.

Isa lang ang nasa isip ko nung bilhin ko ang mga strawberries na ito. Ang gawin ko itong fruit shake o smoothies. Ayos na ayos kapag mainit ang panahon at pwedeng-pwede din na gawing drinks and desserts pagkatapos kumain.

Nagustuhan ng mga anak ko ang strawberry smoothies o shakes na ito. Nag-request nga sila na gumawa ulit ako nito sa darating na mga araw.

Try nyo ito. Madali lang gawin at ayos na ayos sa mainit na panahong ito.


STRAWBERRY SMOOTHIES

Mga Sangkap:
300 grams fresh Strawberries
1 cup Ful Cream Milk
3 cup crash Ice or Ice cubes
sugar to taste

Paraan ng pag-gawa:
1. Ilagay lamang ang yelo, asukal, gatas at strawberries sa blender at i-blend ito hanggang sa madurong na mabuti ang strawberries at yelo.
2. Tikman at i-adjust ang tamis
3. Isalin sa isang baso. Maaring lagyan ng fresh sa strawberries sa gilid ng baso to granish.

I-enjoy ang masarap na pampalamig na ito.

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE