BARBEQUE ISAW, MUGS, CHICKEN at IBA PA....
Mga street food na maituturing ang mga ganitong klaseng pagkain. Kahit nga dito sa Manila ay patok na patok ang mga ganitong pagkain. Meron nga akong nakita na food kiosk sa may MRT sa Cubao, talaga namang ang haba ng pila dun sa nagtitinda ng isaw at kung anon-ano pa.
Ang mga picture na nakikita nyo ang ilan lang sa mga bina-barbeque ng aking kapatid. Yung picture sa taas (2nd picture) ay chicken intentine at ito namang nasa itaas ay isaw at bituka din ng baboy naman. Mugs ang tawag sa bituka ng baboy kapag na-fried na o naihaw.
Ang picture naman sa itaas ay boneless chicken barbeque.
Konti lang daw ang tinda nung araw na yun dahil hindi naka-pamalengke ang aking kapatid.
Tinanong ko din pala kung papaano nila ito ginagawa. At eto ang ilang info na nakuha ko.
1. Dapat mahugasan o malinis na mabuti ang isaw o bituka na gagamitin. Otherwise hindi magiging kaaya-aya ang lasa ng inyong barbeque.
2. Papakuluan ang mga ito sa barbeque sauce hanggang sa lumambot. Yung sa chicken, hindi na kailangan itong pakuluan dahil madali lang naman itong maluto.
3. I-ihaw ang mga ito sa baga, at pahiran ng pinaghalong barbeque sauce at catsup na may konting mantika ang iniihaw.
Ang pinaka-key sa masarap na barbeque ito ay ang lasa ng marinade mix na pagpapakuluan. At syempre dapat malinis na malinis at walang amoy ang mga isaw at bituka na gagamitin.
Ang sarap kainin nito lalo na kung ilulubog mo siya sa sukang may sili at toyo. Pang-ulam o kaya naman ay pulutan.
YUMMY!!!!!
Comments