JAKES GRADUATION DAY


Nag-graduate ng elementary kahapon March 31 ang panganay kong anak na si Jake. Sa St. Therese Private School siya nag-tapos. Dit6o din nag-aaral ang dalawa kong pang anak na sina James at Anton.

Nag-start ang program sa pamamagitan ng isang misa. Maaga kaming dumating sa venue ng graduation kaya naman sinamantala namin ang pagpapa-picture hanggang di pa nagsisimula.

Syempre kasama ang aking 2 pang anak para makita nila ang kuya nila na guma-graduate.

Nakakatuwa lang isipin na nakapag-patapos na ako ng elementary. Hehehehe. Medyo malayo pa ang aking bubunuin sa aking 3 anak. Hehehehe
Nakakatuwang pagmasdan silang magkaka-klase na masayang-masaya matapos nilang maka-graduate. Sabagay, 6 na taon ba naman ang kanilang binuno.
Dati kalong-kalong ko lang ang batang ito, pero ngayon ang laki-laki na niya. Hehehehe

My son Jake with his classmates after the ceremony.

Class picture with the school adminitrator.

At syempre after ng graduation ay kainan. Sa Mongkok restaurant kami sa Glorietta 5 sa Makati kami nag-dinner. Chow Fan, crispy pata, crispy chicken, shrimp with brocoli, chow mein o pancit canton, siomai at yung cold platter na nakalimutan ko ang tawag.

Nabusog kaming lahat at may take out pa. hehehehe

Dalangin ko na sana ay bigyan pa ako ni Lord ng lakas paramaitaguyod ko pa ang pagaaral ng aking mga anak. Bigyan pa sana niya ako ng lakas ng katawan para makapag-trabaho at maka-ipon para sa kanilang kinabukasan. Alam ko sa tulong ng aking asawa ay magagawa namin itong lahat.

Amen.

Comments

J said…
Congratulations, Jake!!!
Thanks J....my number 1 follower.

:)
Pen said…
Congratulations!!!
J said…
Yes naman kuya. Araw araw tinitingnan ko ang blog mo kung may bago. Kini-click ko rin ang ads mo! ;-)
aloysius said…
congratulations.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE