MANGO SMOOTHIE

Summer na talaga. Dama na natin ang init ng panahon. At talaga namang nag-i-invite ang beach para paliguan natin. Hehehehe.


Kapag ganitong mainit ang panahon, maraming tayong pwedeng gawin para magpalamig. Ofcourse merong mahal o yung gagastos ka talaga. At meron din naman na hindi nakailangan pang gumastos. Kumuha ka lang ng karton at gamitin mong pamaypay ay okay na. Hehehehe


Kapag panahon din ng summer, murang-mura ang mga prutas na napapanahon kagaya ng mangga. At ito nga ang masarap na gawing pampalamig. Although temporary lang ang naibibigay na lamig nito sa katawan pero okay na din.


Para gawin ito, kailangan mo lang ng ginadgad na yelo, mangga ofcourse, gatas at kaunting asukal. Paghaluin lang ito sa blender hanggang sa maging smooth na at presto may masarap ka nang pampalamig. Lagyan lang ng kapirasong hiwa ng mangga sa gilid ng baso to garnish.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE