SPRITEY STRAWBERRY SHAKE

Summer na talaga. Ramdam mo na ang init ng panahon kahit na medyo kumukulimlim sa tanghali at hapon. Kaya naman usong-uso na naman ang mga pampalamig kagaya ng halo-halo, sago't gulaman at mga shakes. Ice candy, mais con yelo o kaya naman ay saba con yelo ay solve na solve para sa akin. Kaya naman kahit kami sa bahay ay nahihilig ngayon sa mga pampalamig kagaya ng mga fruit shakes. Minsan manga, nung minsan naman ay melon. Nung isang araw di ba nag-post na ako ng strawberry smoothies? Komo may kamurahan ang strawberry ito ulit ang ginawa ko sa kahilingan na din ng aking mga anak. Pero para maiba naman, sprite ang inihalo ko dito sa halip na gatas.


Madali lang itong gawin. Maglagay lang ng ginadgad na yelo, sprite, straberries at konting asukal sa blender at yun na. I-blender lang ito hanggang sa maghalo na ang lahat ng sangkap.


To serve, lagyan lang ng isang pirasong strawberry sa gilid ng baso para mas magandang tingnan. Pwede nyo ding gawin ito sa iba pang klaseng prutas. Subukan ko kaya sa mangga?


Till next....

Comments

J said…
Uy magandang twist ito kuya!
Masarap nga J....Siguro kung lalagyan mo ito ng gin mas masarap pa. Pwedeng cocktail drinks.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE