HUNGARIAN SAUSAGE & EGG SCRAMBLED






Dalawa lang kami nang asawa kong si Jolly sa bahay. Di ba nasa Batangas nga ang tatlo kong anak for their summer vacation? At oo...hehehe...para kaming binata at dalaga....hahahahaha.


Kaya naman ginagawa kong talagang espesyal ang kinakain naming dalawa.


Kagaya nitong breakfast namin nitong isang araw. Hungarian Sausage & Egg scrambled. Medyo may kamahalan ang Hungarian Sausage. Bale itong niluto kong ito nasa kulang P200 pesos ang dalawang piraso.


Gustong-gusto ko ang Hungarian Sausage. Gusto ko kasi yung pagka-spicy nito at yung ligat factor kapag nginunguya mo na.


Masarap talag itong pang-ulam sa almusal at pwede ding palaman sa tinapay. Try nyo din. Yummy talaga ito.




HUNGARIAN SAUSAGE & EGG SCRAMBLED


Mga Sangkap:


2 pcs. Hungarian Sausage sliced


2 pcs. Egg beaten


1 large Tomato sliced


1 large White Onion sliced


3 cloves minced Garlic


1/2 cup Mayonaise


2 tbsp. Olive Oil


Salt and pepper to taste



Paraan ng pagluluto:


1. Batihing mabuti ang itlog kasama ang mayonaise.


2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang sausage sa olive oil hanggang sa pumula na ng bahagya ang mga ito.


3. Igilid lang ng kaunti ang sausages at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.


4. Igilid din ang ginisang sangkap at isunod naman ang binating itlog na may mayonaise. Halu-haluin para hindi magbuo-buo ang itlog.


5. Paghaluin na ang lahat na mga sangkap. Timlahan na ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.


Ihain habang mainit pa.


Enjoy!!!!


Comments

J said…
Ita-try ko yan with Polish sausage, kuya!

P.S. Awat muna sa asal dalaga't-binata. Baka masundan pa si bunso! Hehehe.
Hahahaha....malapit na ngang matapos ang aming maliligayang araw....balik Manila na sila this Sunday....hehehehe

Hindi na masusundan....tali na si esmi...hehehehe
fatubuntu said…
Sir ayos to, salamat! :)

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE