
Sa bayan ng asawa kong si Jolly ipinagdiriwang ang Flores de Mayo sa buong buwan ng Mayo. Hindi katulad naman sa aming bayan sa Bocaue, may 9 na araw na Novena at ang pinaka-huling araw ang pinaka-fiesta.
Sa bawat ay may pamilya na naka-toka na magpa-dasal at ang May 1 nga ang napunta sa amin.

Pagkatapos ng pagdarasal ng santo rosaryo ay ginagawa naman ang pag-aalay ng bulaklak. Nauuuna ang mga bata at susunod naman ay kung sino ang nais na mag-alay.

Kung sino ang sponsor sa araw ng pag-aalay ay sila ang huling mag-aalay ng bulaklak.

Pagkatapos naman ng novena at pag-aalay ng bulaklak ay ang masaganang kainan. Bahala ang sponsor kung ano ang gusto na ihanda.
Ang pagkain na inihanda ko ay pancit palabok at puto. Yung puto in-order lang namin sa bayan at talaga namang naunang naubos sa sarap. Hehehehe. Abangan nyo na lang yung recipe para sa palabok.

Syempre picture-picture habang nagkakainan.
Nakakatuwa dahil lahat ay nasiyahan sa pagkain na aming inihanda. Sana sa susunod pa na mga taon ay makapag-sponsor ang aming pamilya ng isang araw na pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen.
Amen.....
jj
Comments