GINATAANG ALIMANGO

Minsan lang kami makakain ng alimango sa bahay. Medyo may kamahalan kasi ito dito a Manila. Imagine P400 per kilo at hindi ka pa maka-sigurado kung mataba talaga at ilang piraso lang ito.

Pero nitong isang araw, hindi ko talaga napigilan na bumili nito para sa dinner naming mag-asawa. Bale 2 piraso lang ang nabili ko. Pero kahit 2 pcs. lang ito ay talaga namang nag-enjoy kami sa aming dinner that night.

Mainam na biyakin ang alimango bago lutuin para lumasa ang taba nito sa gata. Sa pamamagitan nito mas nagiging masarap ang sauce nito.


GINATAANG ALIMANGO

Mga Sangkap:
2 pcs. large Alimango (linising mabuti at hiwain sa gitna)
Kakang gata mula sa dalawang niyog
3 pcs. Siling pang-sigang (yung isang piraso alisin ang buto at i-slice)
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion sliced
1 thumb size Ginger sliced
2 tbsp. Canola oil
salt and peper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at ang hiniwang siling pangsigang sa mantika.
2. Ilagay na agad ang gata ng niyog at hayaang kumulo ng mga 2 minuto.
3. Ilagay na ang alimango at timplahan ng asin at paminta. Ilagay na din ang natitira pang siling pang sigang at 1 tasang tubig. Hayaang maluto hanggang sa kumonte na lang ang sauce.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Vanessa said…
Hi Kuya Dennis, mataba po ang alimango pag matigas yung likod nya. Ingat lang po sa pagpisil kasi baka masipit kayo. Saka po kapag firm yung legs nya. Natutunan ko lang po sa nanay ko, mamamaklad kasi yung tatay nya.

Ang sarap nga po ng alimango, kaso mahal. Pero perfect pa rin for special occasions.
Dennis said…
Thanks Vanessa.....Hindi ko alam yun ah...hehehe...Sa susunod ganyan ang gagawin ko...

Salamat ulit
Momgen said…
Looks interesting...Happy FTF!

Mine is here
Unknown said…
This comment has been removed by the author.
Unknown said…
Paano po b linisin ang whole crabs

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW