ISPAGETING PINOY


Sa ating mga pinoy, basta may birthday hindi talaga mawawala ang pancit o kaya naman ay spaghetti. Ito marahil ang namana natin sa ating mag ninunong intsik na ang ibig sabihin ay long life o pampahaba ng buhay.

Kahit nga nasa malayong lugar ang may birthday o kaya naman ay yumao na, inaalala pa din natin sila sa paghahanda ng mga ganitong klaseng pagkain.

Kagaya na lang nitong nakaraang May 29. Birthday ng kapatid ng asawa kong si Jolly na si Beth. Nasa Ireland sila. Pero nung araw na iyon, naisipan kong ipagluto siya ng spaghetti kahit biglaan.
Pinoy style na spaghetti ang niluto ko. Meaning, medyo manamis-namis ang sauce nito at syempre hindi mawawala ang sahog na hotdog at giniling na baboy. Pero wag ka, naubos ha. Para kasing spaghetti ng Jollibee ang dating ng niluto ko. hehehehe. Magluluto ulit ako nito sa darating na mga araw.....hehehee.


ISPAGETING PINOY

Mga Sangkap:
1/2 kilo Spaghetti pasta cooked according to package direction
1/2 kilo Pork giniling
1/4 kilo Purefoods Hotdog sliced
2 pouch Del Monte Sweet Style Spaghetti Sauce
2 tbsp. Canola oil
2 cups grated cheese
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali i-prito ang giniling na baboy sa kaunting mantika hanggang sa mawala ang pagka-pula ng karne at medyo tostado na ito.
2. Isunod na rin ang hotdog sa pagpi-prito.
3. Igisa na din ang bawang at sibuyas at halu-haluin sa giniling at hotdog.
4. Ilagay na ang sweet style na spaghetti sauce. Halu-haluin.
5. Ilagay na din ang 1 cup na grated cheese at timplahan ng asin at paminta.
6. Tikman at i-adjust ang lasa ng sauce.
7. Ihalo ang nilutong spaghetti pasta. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ang lahat ng pasta ng sauce.

Ihain at ibudbod sa ibabaw ang natitira pang grated cheese.

Enjoy!!!!

Comments

[pinkc00kies] said…
i love italian style spag but there are times that I really crave for PInoy style spag. I love the one from Makati Supermarket, Amber's or Jollibee.. and of course, the one we cook at home!
pareho tayo pinkcookies...mas gusto ko yung italian style. Pero masarap talaga ang pinoy style..lalo na pag maraming sahog....hehehe
Jude said…
Dennis post ka nga din ng Pasta Italian Style na gaya ng sinasabi ni pinkc00kies with meat balls naman ang like ko jejeje...tnx
Hi Jude...Meron na akong recipe nun....check mo na lang sa archive under PASTA. I think 2009 ko pa yun na-post.

Regards

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE