TALONG, BAGOONG, TUYO AT ITLOG


Tag-ulan na naman. Dalawa lang ang masarap gawin sa mga ganitong panahon. Ang kumain at matulog.....hehehehehe. Haaayyy....katamad pumasok sa office kapag ganitong maulan.

Ito ang breakfast namin nitong nakaraang araw. Gustong-gusto ko talaga ang pritnong talong na may kasamang bagoong. At syempre pa tuyo na isasawsaw mo sa sukang may bawang at sili. Panalo kung sasamahan mo pa ng pritong itlog sa malasado ang pula. At para makumpleto ang buong almusal, sinangag na kanin na may maraming bawang. Haaayyyy.....nasira na naman ang diet ko. Pero okay lang, hindi naman madalas na ganito....hehehehe

Have a nice day!!!!


Comments

Vanessa said…
di pala ako nag-iisa. gusto ko rin yang tuyo/any fish + fried/grilled talong. di ko lang dinadagdagan pa ng itlog. ang sarap, mura pa.
hahaha....favorite ko ito na almusal.....hehehe

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE