BIRTHDAY CELEBRATION of 2 MOMS

Last June 24 ay birthday ng aking biyenan na si Inay Elo. Dapat sana ay may kaunting salo-salo, yun nga lang ay hindi kami nakauwi dahil sa bagyo.

Sa kahilingan na din ng matanda na magkaroon ng salo-salo para na din sa pagbalik sa Ireland ng isa pa niyang anak na si Beth, natuloy din ito at naging post and pre celebration para sa kanya at sa aking asawang si Jolly.

Kanya-kanyang sagot ang nangyari sa mga pagkaing inihanda. Pancit, dinuguan at cake ang kay Beth, alimango ang kay Lita, kare-kare at kakanin ang kay Azon, tahong at manggang hinog naman ang sa aking asawang si Jolly.

Ako ang nagluto ng mga handa maliban lang sa dinuguan. Kahit nakakapagod ay okay lang. Nasiyahan naman ang matanda at nagustuhan namannila ang aking niluto.

Kami-kami din lang naman ang bisita. Dumating din naman ang dalawang kapatid ng Inay na sina Tiyo Quito at Tiyo Llaning.

Syempre masaya ang lahat. Nakakatuwa nga ang picturan na nangyari. Hehehe

Papatalo ba ang mga apo. E di syempre kasama din sila sa picture-an.

Kahit ang mga apo sa tuhod ay kasama din sa mga naki-gulo sa kainan. Hehehe

Kasama din syempre ako. hehehehe. Pwede bang hindi? hehehe


Nung bandang hapon naman ay tuloy pa din ang celebration. Nag-blow ng cake ang dalawang mom na celebrators. Ang nagsalo muli kami sa pancit at cake na handa.

Hindi maikakaila ang saya sa labi ng matanda. At lahat naman.. dahil nagkasama-sama kaming muli. Sayang nga lang at wala ang iba pa niyang mga anak.

To the 2 Moms, HAPPY HAPPY BIRTHDAY!!! Dalangin ko ang pagpapala ng Diyos sa inyong dalawa.

Amen.


Note: Abangan nyo na lang yung posting ko sa mga dish na aking niluto. Salamat


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE