CREAMY PORK and MUSHROOM

Another simple and delicious dish ang handog ko para sa inyong lahat. Simple dahil: 1. simple lang ang mga sangkap, 2. simple lang lutuin.

Pwede itong ihanda sa mga espesyal na okasyon at tiyak kong magugustuhan ng mga kakain.


CREAMY PORK and MUSHROOM

Mga Sangkap:
1 kilo Pork (any part cut into serving pieces)
1 big can Whole Button Mushroom (hiwain sa gitna ang mushroom at itabi ang sabaw)
1 tetra brick All Purpose cream
1 cup All Purpose Flour
1/2 cup Butter
5 cloves minced Garlic
1 large White Onion chopped
salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie magic Sarap

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang karne ng baboy ng asin at paminta. Hayaan ng mga ilang minuto.
2. Ilagay sa isang plastic bag at ilagay din ang harina. Alug-alugin para ma-coat ng harina ang mga karne.
3. Sa isang non-stick na kawali i-prito ito sa butter hanggang sa pumula lang ng bahagya ang mga siudes nito.
4. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas.
5. Ibalik sa kawali ang piniritong baboy at ilagay na din ang sabaw ng mushroom. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
6. Sunod na ilagay ang slice button mushroom. Hayaan ng mga 2 minuto.
7. Huling ilagay ang all purpose cream at maggie magic sarap. Haluin. Patayin ang apoy.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE