MY WIFE JOLLY'S BIRTHDAY CELEBRATION in BULACAN

Yesterday, July 17 is my wife Jollys __th birthday. Napili niya na sa bayan namin sa Bocaue siya mag-celebrate nito. Okay lang naman dahil mahilig talaga sa mga kainan ang aking mga kamag-anak. Hehehehe.


Hindi naman ako masyado napagod dahil ang aking kapatid na si Ate Mary Ann at Shirley ang nagluto ng mga handa.

Konti lang naman ang handa. 9 na putahe lang. Hehehehe. Ang mga ito ay: Inihaw na Liempo, Sugpo na may sprite at butter, Fried Chicken ala Max, Inihaw na Bangus, Pancit Canton, Tofu in Oyster Sauce, Lengua Asado, Laing, Tinolang native na manok at yung stir fried na talbos ng camote with pork bits. Nagustuhan ko ang lahat ng mga handa lalo na yung stir fried na talbos ng camote. Para kasing lasa siyang sisig. At masarap talaga.

Dumating ang halos lahat ng aming mga kamag-anak. 11am pa lang ng umaga ay nagsimula na silang nagsidatingan at sinimulan na din ang masaganang pananghalian.


Nakakatuwa at masaya ang may birthday. At kita din sa mukha ng aking mga kapamilya ang kasiyahan sa okasyong ito.


Sa hapon naman, nagluto din ang aking Ate Ann ng meryenda. Pancit palabok. Nagluto din ang aking tiya Ineng ng Sablanko o maja blanka para sa may birthday.




Masaya at busog ang lahat matapos ang masaganag kainan.




Sabi ko nga sa aking mga tita, sana sa awa ng Diyos ay makapag-handa din ako sa aking 4_th birthday. Hehehehe.


Dalangin ko na sana ay bigyan pa ng Diyos ng maraming kaarawan ang aking asawa. May handa man o wala, sana ay makasama pa namin siya ng matagal. Bigyan nawa siya ng Diyos ng malakas at malusog na pangangatawan...ilayo nawa siya sa mga kapahamakan at lagi nawa siyang gagabayan sa araw-araw. Amen.


Comments

J said…
Happy birthday, Ate Jolly! Sana ay mas marami pang blessings ang dumating sa buhay nyo!

Kuya, gusto kong gayahin yung recipe ng fried chicken ala Max hehehe.
HI J...may recipe na ako sa archive...check mo na lang.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)