PAKSIW na LECHONG KAWALI


Paborito ko ang paksiw na lechon. Lalo na yung may balat na talaga namang it melts in the mouth kapag kinakain mo. Nakakain lang ako nito pag may mga okasyon at may natirang lechon. Well, paksiw lang naman talaga ang kakauwian ng tirang lechon although pwede mo din itong isigang.

May kamahalan ang lechon kaya hindi ko ito mailuto sa bahay. Kaya ang ginawa ko lechon kawali ang aking ginamit. Although, duda ako na may matitira kapag nagluto ka ng lechon kawali, hehehehe. Pero for this purpose talagang nagluto muna ako ng lechon kawali at saka ko siya pinaksiw.

Sa wakas, natapos din ang craving ko sa paksiw na lechon. Hehehe

Itong pala ang recipe na kahit hindi marunong magluto ay magagawa pa din. Hehehehe. Madali lang ito. Try nyo din.


PAKSIW NA LECHONG KAWALI

Mga Sangkap:
1+ kilo Pork Liempo (piliin yug manipis lang ang taba)
1 small bottle Mang Tomas Sarsa ng Lechon
1 head Minced Garlic
1 large Onion Sliced
1 tsp. Ground Black pepper
1 cup+ Brown Sugar
1/2 cup Vinegar
1/2 cup Soy Sauce
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ang pork liempo ng mga 1 inch ang kapal.
2. Timplahan ng asin at paminta. Hayaan muna ng mga 1 oras.
3. Lutuin ito sa turbo broiler or oven hanggang sa pumula at mag-pop ang balat. Palamigin sandali at hiwain ng pa-cube.
4. Sa isang kaserola, ilagay ang hiniwang nilutong liempo, suka, toyo, bawang, sibuyas, asin at paminta. Lagyan din ng mga 3 tasang tubig.
5. Isalang ito sa kalan at hayaang kumulo.
6. Kung medyo lumambot na ang balat ng liempo, ilagay na ang lechon sauce at brown sugar.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Dapat nag-aagaw ang alat, asim at tamis.
8. Hayaan pa ng ilang minuto hanggang sa medyo lumapot na ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
i like! :D i prefer paksiw na lechon than the plain one. haha!
J said…
peyborit ko yan kuya!!!
Dennis said…
Ako din pinkcookies....sa lechon kasi balat lang ang gusto ko. Pero sa paksiw lahat...lalo na yung sauce...hehehehe...yummy!!!!
Dennis said…
J pareho tayo...kaya nga eto kahit na lechon kawali ginawa kong paksiw....hehehehe
Unknown said…
Na try ko po ito as in super sarap. salamat kuya dennis dahil na isa ako sa mga nainspired mo lagi ako sumusubaybay sa lahat ng recipe mo ikaw palagi ang first choice ko pag naghahanap ako ng pwedeng iluto. more power luv u!
Dennis said…
Salamat Jason....please continue supporting my blog.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok