ANTON'S 9th BIRTHDAY

Yesterday August 8, nag-celebrate ng kanyang ika-9th birthday ang aking bunsong anak na si Anton. Pag-gising pa lang niya sa umaga para pumasok sa kanyang school ay masiglang-masigla na siya. Alam kasi niya na espesyal na araw yun para sa kanya. Kaya naman pinaghandaan ko din siya kahit papaano.

Hiling ng may birthday ang aking mga inihanda. Red spaghetti, roasted chicken ala anton, pork and mung beans spring roll, at waknatoy. Cake naman for the dessert.

Bumili din ng cake ang aking asawang si Jolly na hiling na din ng may birthday.

Naging bisita namin ng gabing yun ang pamilya nina Kuya Reggie at Ate Lau. Si Kuya Reggie ay isa sa mga ninong ng may birthday. Ang dalawang anak nila na sina Glen at Angelo ay mga kababata din ng aking mga anak. Dumating din ang kapatid ng aking asawa na si Lita.

Natutuwa naman ako at nagustuhan nila ang simple kong mga handa. nagustuhan nila in particular ang spaghetti at ang waknatoy. Abangan nyo na lang ang posting for the spag at yung pork and mung beans spring roll.


Natapos ang gabi ng may ngiti sa labi ang aking anak na may birthday. May gift din kasi siyang natanggap galing sa amin ng Mommy niya at sa Tita Lita niya.

Bago ako natulog, ipinagdasal ko sa Diyos na sana ay basbasan niya at patnubayan ang aking anak sa araw-araw. Bigyan nawa siya ng lakas ng katawan at kalusugan. Lumaki nawa siya na may pagmamahal sa Diyos at sa aming kanyang pamilya. Amen.

Till next......


Comments

J said…
Happy birthday, Anton! May God bless you more.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE