FAMILY DAY @ AQUINAS SCHOOL 2011

Last August 27, 2011 ay dumalo kami ng aking pamilya sa Family Day ng Aquinas School ng aking panganay na anak na si Jake. It was a wonderful day. Kahit na may kalakasan ang ulan ay marami pa rin ang nakapunta at nagsidalo.

Mula kinder hanggang fourth year highschool ay present lahat at bawat level ay may kani-kaniyang kulay ng t-shirt. Nagsimula ang program sa pamamagitan ng isang parada at sinundan naman ng panalangin bilang pagbubukas ng programa.

Masayaang lahat. Bakas sa mukha ng mga batang mag-aaral ang exitement sa mga palaro na ginawa.
Nandoon din ang number 23 ng Philippine Azkal na si Ian Araneta na nagpaunlak naman sa amin ng isang picture. Nagpa-sign din ang aking mga anak sa kanya sa kanilang mga t-shirt.

Nang matapos ang programa at mga palaro ay nagtuloy naman kami sa kani-kaniyang mga classroom parapagsaluhan ang mga pagkain na kanya-kanya naming mga share. Rosted chicken ang aking dinala. Maraming pagkain. may nagdala ng pancit, fried chicken, palabok, sapin-sapin, pizza, hamburger at marami pang iba.

Pagkatapos naman ng kainan ay ipinamigay din ang report card ng mga bata para sa kanilang first grading.
Ang aking anak na si Jake at ang kanyang class adviser.

Aquinas School pala sa San Juan ang paaralan ng aking anak.

It's a Family Day, pwede bang mawala kami ng aking asawang si Jolly? Hehehehe.

Til next year Family Day...


Comments

k said…
Grade school ba anak nyo? Feel ko lang kasi may aircon eh haha. Naging teacher ko rin pala yan. First year HS.


Sana gabayan nyo rin ang anak nyo pagdating ng HS (If mag HS palang sya or currently there). Based on my experience lang nung kapanuhan ko. ( In my opinion ) May mga batang alam nyo na, Yosi boy, Merong yung tipong bully to the Upper level na tipong aantayin sa labas ng skwela (may mga frat na nagaantay), Meron din namang ibang estudyante bully lang na pepeste sa araw ng matripan nila.

Syempre Wag lang pansinin un, da best ang turo sa Aquinas. Yun lang naman..

Post po kayo ng pics This coming foundation day oh, Asahan ko yan? Picture picture ng mga Classroom avr etc .....

SAlamat!
Dennis Glorioso said…
Thanks K....Sa high school na anak ko. Today 2nd year na siya.

Ganun ba...Salamat sa info...yun nga ang problema ko sa anak ko ngayon. Hindi naman sa mga frat frat na yan pero sa mga chicks sa Dominican. Di maka-concentrate ata ang anak ko dahil sa mga girls. Hay naku...ang hirap talaga.

K said…
Sir, Ha aabangan ko talaga yang Pics nyo dis coming Foundation day :)

Haha, Ganun din naman ako, Tingin tingin Pero syempre kailanangan din ang pag-aaral muna in the end. hahaha
Dennis Glorioso said…
Hi K....Di ko alam kung kailan ang foundation nila. Ang alam ko meron silang Dance Concert sa January 31 P150 nga ang ticket. I cannot promise the pict pero basta may pagkakataon sige. Meron ako sa album nung confirmation day nila.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE