NAKED FRIED CHICKEN

Ito ang isa pa sa mga dish na niluto ko sa kahilingan na rin ng nag-birthday kong anak na si James. Nagustuhan kasi niya ito nung minsang umuwi kami ng Bulacan. Ito yung pinaulam sa amin ng kapatid kong si Shirley. Kaya nga ang sabi sa akin ng may birthday yung fried chicken daw na kagaya nung sa Tita Shirley niya. Hehehe.

At bakit naman naked fried chicken ang tawag dito? Naked fried chicken kasi walang kung ano-anong breadings o pampalasa na inilagay. Kung baga, yung tunay na lasa lang ng manok ang malalasahan mo dito. Sa madaling salita, ito yung pinoy fried chicken na nakagisnan na natin na matagal na.


NAKED FRIED CHICKEN

Mga Sangkap:
4 whole Spring Chicken cut into serving pieces
1 tsp. ground black pepper
2 tbsp. Rock salt or 1 cup patis
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang manok ng asin at paminta o kaya naman patis at paminta at hayaan ng overnight.
2. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Palamigin sandali.
3. Muling itong i-prito para mas lalong magibg crispy ang balat na parang sa max fried chicken.
4. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain habang mainit pa na may kasamang banana catsup.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE