BRAISED CHICKEN in HONEY-LEMON-GINGER SAUCE


Nag-audition ako sa isang cooking contest dito sa Manila. As a requirement, kailangang magdala ng isang dish na ilalaban mo para makapasok sa 2nd round. At itong Braised Chicken in Honey-Lemon-Ginger Sauce ang aking inilaban.

Simple lang ang dish na ito. Kahit nga hindi marunong magluto ay magagawa ito basta tama lang ang mga sangkap na gagamitin at tama ang pamamaraan na gagawin.

And you know what? Sa batch namin na 10 per group, 3 lang kami na nakapasok sa 2nd round. Tuwang-tuwa ako sa pangyayaring ito. hehehehe. Abangan nyo na lang ang update ko sa contest na ito.


BRAISED CHICKEN in HONEY-LEMON-GINGER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh
1 pcs. Lemon (juice)
1 tbsp. Lemon Zest (from the 1 pc. lemon above)
2 thumb size Ginger grated
1 cup Pure Honey Bee
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta, katas ng lemon, grated ginger at lemon zest. Hayaan ng overnight.
2. Sa isang non-stick na kawali, ihilera ang mga manok sa ilalim yung may balat na parte.
3. Isama na din yung marinade mix at lagyan ng mga 1/2 tasang tubig. Lutuin sa katamtamang lakas ng apoy. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malapit nang maubos ang sauce at luto na ang manok, ilagay ang honey at hayaang ma-coat ng sauce ang lahat ng manok. Huywag hayaang masunog ang honey o ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Kuya wag mo akong kalilmutan pag sikat ka na ha. Hehe.
Dennis said…
Hahaha.....Salamat J. abvangan mo ako sa Tv.....hehehehe
chedups05 said…
eto po ang lunch nmin ngyon kso d ko po yta nsundan ng mbuti. Prang oily po ung knlbasan and ang tamis. hehehe
gnun po b tlga lasa? thanks
Dennis said…
Hi Scribbledshirts....Tanong ko lang..nilagyan mo pa ba ng mantika o baka naman naisama mo yung mga taba ng manok na nasa may butt part? Medyo matamis nga ito becuase of the honey pero hindi naman matamis na matamis unless fake yung honey mo....hehehehe.


Thanks for the visit....
yuuki said…
Hi sir Dennis, Newbie lang po ako sa larangan ng pagluluto at wala pa akong nape-prepare na ganitong klaseng mga lutuin, na engganyo ako magluto bec. of that simple ingredients. i hope na maipe-prepare ko ng tama ang dish na ito, just by following your instructions. thanks for this blog and for your very inspirational menu. katakam takam. =) (hope na magagawa ko ito at maiprepare sa darating na Noche Buena!) thanks Sie Dennis more power and God Bless!
Dennis said…
Hi Yuuki,

Kayang-kaya mo yan. I'm sure masarap yang luto na magagawa mo.


Dennis

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW