MY BIRTHDAY @ 44

It's my 44th Birthday today. Para maiba naman naisipan kong magluto at magpakain sa aking mga officemate. Marami din kasi sa kanila ang nagre-request na matikman daw nila ang mga pino-post ko. At yun nga nagluto ako ng 4 na dish. Arroz Valenciana, Cheese Pimiento and bacon Pasta, Antons Chicken at Tofu Chopsuey.

With some of my officemates. Nakakatuwa naman at nagustuhan nilang lahat ang mga niluto ko. Nakakapagod pero okay lang. Hehehehe

After ng celebration sa office ko, nag-celebrate naman kaming mag-asawa sa Resort World Manila sa Pasay City. Pinakain niya ako sa isang Singaporian Restaurant. Tao Yuan ang pangalan. We order Laksa an Hainanese chicken. Medyo may kamahalan ang bill pero okay na din. Nag-enjoy talaga kami sa food.

Eto yung in-order namin na Hainanese Chicken with 3 sauces.

Pagdating sa bahay dinagdagan ko na lang ng Crispy Pata ang natiora pang handa at bumili naman ng cake ang asawa kong si Jolly for the dessert.

Nakakatuwa at nairason ko at nakarating ako sa idad kong ito na 44. Dalangin ko sa Diyos na bigyan pa niya ako ng maraming kaarawan at malakas na pangangatawan para maitaguyod ko pa ang aking pamilya at mga anak.

Amen.....

Comments

J said…
Happy Birthday, kuya!!! Sana ay patuloy kang gabayan ni Lord... health and happiness for you and your family!
Salamat J....alam ko ikaw ang unang babati sa akin d2 sa blog....hehehehe...thanks again

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE