ROASTED EGGPLANT with BAGOONG, ONION & TOMATO

Isang simpleng side dish ang gusto kong ihandog sa inyo para sa araw na ito. Ito ang side dish na niluto ko nung niluto ko yjng chicken barbeque. Sa halip na soup ang aking iterno sa chicken naisipan kong itong talong na ito ang aking ipares.

Sabay kong niluto ang talong at chicken barbeque. At habang naluluto ang talong hinihiwa ko naman ang kamatis at sibuyas na ilalagay ko sa ibabaw. Sa totoo lang, ang sarap ng side dish na ito. Ayos na ayos ito na iterno sa mga inihaw na ulam kagaya ng manok, isda o baboy man.


ROASTED EGGPLANT with BAGOONG, ONION & TOMATO

Mga Sangkap:
4 pcs. Medium size Eggplant
1/2 cup Bagoong Alamang
2 pcs. large Tomato chopped
1 medium size Onion chopped
few drops of Sesame oil


Paraan ng pagluluto:
1. I-ihaw o lutuin sa oven o turbo broiler ang talong hanggang sa maluto.
2. Hiwain sa gitna ang talong para maibuka ng konti.
3. Patakan ng konting sesame oil ang loob ng talong
4. Lagyan ng bagoong ang loob at ikalat ito.
5. Huling ilagay sa ibabaw ang kamatis at sibuyas.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Nakakatakam naman yan kuya! Alam mo po ba na ang eggplants dito ay bilog na malalaki... Pero halos pareho din ang lasa!
Sinabi mo.....mas lalo kang gaganahang kumain pag ganito ang side dish mo....with matching inihaw na baboy or isda....yummy!!!!

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE